GuestBook

Thursday, October 16, 2008

GOON Looking Guy

Yesterday, tinawagan ako ng mga kaalyado ko sa pagtakbo (hehe, parang politics lang ha).

CFM Joms: Pre san ka?
AkoNotchi: Dito B1 pre, bakit?
CFM Joms: Daanan kita jan ha, takbo tayo mamaya...
AkoNotchi: Ha?... Ok cge...

"Anak ng tinapa, bakit ba ko naka-OO eh napakasakit nga pala ng katawan ko.." di ko alam kung pano ko babawiin yung sinabi ko, gusto ko syang tawagan pero nakakahiya naman kasi pupunta lang sya sa ofice para sunduin ako.. Kaya sasama na lang siguro ako, tutal wala rin naman ako gagawin sa bahay and para rin naman sakin yun, sayang din naman yung choles na mababawas... hehe

At yun na nga, dinaanan na nya ko... Pagdating namin sa ULTRA, dun na yung iba naming mga kasama.. Nakabihis nasila at kami na lang ang inaantay.. Pagpasok namin sa may OVAL, nilapitan kami ng Lady Guard...

Lady Guard: Sir National athlete po kayo?
AkoNotchi: Hindi po, Bakit?
Lady Guard: Nasan po yung ticket nyo Sir? Bawal po kasing pumasok dito pag walang ticket..

"Anak ng tinapa, sa isip-isip ko lang, 3 gabi na kaming tumatakbo dito na di nyo kami hinahanapan ng ticket tapos ngayun bigla nyang sasabihing bawal... Adik ba to???"

AkoNotchi: Sige po tanungin ko lang yung mga kasama ko, Magkano po ba yung ticket?
Lady Guard: 29 pesos ang 1...
CFM Panday: Te, baka naman pwede tomorow na lang kasi sarado na pala yung ticket booth...
AkoNotci: Oo nga Te, sayang naman kasi yung pinunta namin dito.

"Tinitingnan ko yung reaksyon nung Lady Guard, pakiramdam ko di sya papayag kaya ng sinabi nya na:"

Lady Guard: Ilan ba kayo?
CFM Panday: Konti lang po, 4 lang...
Lady Guard: Ok sige, basata sa susunod ha...
AkoNotchi: Ok po, Thanks..

"Hehe, salamat naman at pinayagan na nya kami.. Buti na lang ay di nya nabuko na 9 kami at hindi 4"

*****************

"After naming tumakbo, hinatid na kami ni CFM Panday sa sakayan, kasama si FSS Ajh"
Hindi ako nahirapang mag-abang ng Bus, Yung nasakyan ko last night, yun din yung nasakyan ko kagabi..

Pagdating namin ng SM North, Grabe na yung sakay, Sobrang siksikan, 2 line na yung standing.. may mga matanda at buntis na nakatayo at merong may dalang bata.. Iyak ng Iyak yung baby, kasi siguro init na init sya dahil sobrang siksikan. Tinitingnan ko yung mga lalaking malapit dun sa may kargang Baby if meron man lang bang maaawa sa kanila, pero gaya ng inaasahan ko, WALA.

"Haaay, Napakasakit ng katawan ko that time dahil nga galing kami sa pagtakbo, pero di ko rin naman kayang tiisin yung mag-ina na nakatayo habang yung bata is iyak ng iyak.

AkoNotchi: Nay, dito na po kayo..
Mom w/ Baby: Naku, Thank you ha..
Baby: UHA... UHA.... UHA... waaaaaaahhhh

"Nasa kahabaan na kami ng NLEX, di pa rin tumitigil yung bata sa pag-iyak, Grabe yung iyak nya, sobrang nakakaawa, sabi ni Mommy, di raw kasi sanay sumakay ng Bus kaya ganun... Halos lahat ng katabi ko sa pagtayo, sa kanila na lang nakatingin.. Sobrang pawis na pawis na yung bata and nakakaawa na rin yung Mommy nya.. Nagulat ako ng may kinuha sa bulsa yung katabi kong lalaki, akala ko kung ano na.... kasi mukha talaga syang goons.. kaya naman ng sabihin nya na:"

Goon Looking Guy: Misis, eto Polbo oh, lagyan nyo yung likod ng Baby nyo, sobrang pawis na pawis na eh...
Mom w/ Baby: Huh?? Naku, nakakahiya naman, Thank you ha.

"Grabe, di ko alam ang magiging reaksyon ko, gusto kong tumawa pero di ko magawa... hehehehe... nakakabilibtalaga sya"
Nasa bulacan na kami, di pa rin tumitigil sa pagiyak yung bata, hanggang sa makababa na ko ay umiiyak pa din sya.wheeww

Ang Ganda ng experience ko yesterday... Sobrang nag-enjoy ako..

Hehe, I'll keep you posted. Sa Sunday na yung Run namin... TIRA Tira..

PAA-BILISAN: Run for a cause

"Parang may taling nagkapili-pilipit ang aking mga muscle... mukhang kailangan ko ng ALAXAN...hehe.."

Grabe ang sakit ng whole body ko since paggising ko kanina because of the two-night preparation na ginawa namin for the event this coming sunday. This is my first time to participate sa isang run for a cause event.., I'm very excited not only because alam ko na kahit papano ay makakatulong ako sa mga tao na nangangailangan but also makakatulong din to para sa sarili ko,because it can help to lessen the cholesterol of my body.

ULTRA OVAL Field - This is the place where we practice ourselves to make sure that we are ready to the event.

TUESDAy Night- Tatlo lang kami na magkakasama, di kasi pwede yung iba... First time kong tumakbo nang ganung katagal.. 7 times na ikot sa OVAL.. 4 times straight jogging and 3 times jogging...walking...jogging... Grabe ang hirap at sarap... akala ko di ko kakayanin kahit 1 ikot lang, pero nung sinabi nung kasama ko na MINDSET lang yan... ayun, parang medyo nabuhayan ako... kada makakaramdam ako ng pagod ay iniisip ko lang na kaya ko pa kaya medyo tumagalng konti.. hehe... Wednesday morning, ang sakit ng legs and shoulder ko... but its ok.. nag-enjoy naman ako eh..

Wednesday Night- Same place pa din kami... This time mejo madami na kami and kasama na rin si KURi... This time, ang nasa isip ko lang is kailangan malampasan ko yung natakbo ko last night.. i know kaya ko, though yung mga legs ko is masakit na kahit di pa kami nagi-start. Ang ganda ng panahon, kaya naman di ko namalayan na ang dami na palang ikot na nagawa ko... haaay, biruin mo yun, naka-12 na round ako... hehehe... ang sarap ng feeling... yun nga lang, nung pauwi na ko,di ko na mahakbang yung mga paa ko... Pagbaba pa lang ng Bus pahirapan na...

Hehe, Next time nalang yung kasunod ha... I'll keep you posted kung ano yung mangyayari samin sa event...

Thursday, September 25, 2008

GAWAING ITO!!!


Haaay.... Sa oras na ito, ako ay nakaupo sa harapan ng aking PC sa opisina. Nasa aking kanan ang sikat na manunulat na si Kuri na asawa ni Wifey at Daddy ni Lilo. Nasa dulo naman ng aking kanang paningin ang aming Bossing. Sya ay may kausap sa kanyang telepono na kung sino sino.

Sa kasalukuyan ay wala akong magawa kaya naisipan ko na lang gumawa ng isang gawain na pwede kong magawa habang wala akong ginagawa. Mahirap mag-isip ng kung ano-ano kaya naisip ko na lang na isulat ang mga salitang lumalabas sa aking bibig at pumapasok sa aking isipan habang nakatunganga at nakatanga sa harapan ng aking upuan.

Mahirap pala talaga mag-isip kapag walang pumapasok sa yong pagiisip.

Tama...!!! Isusulat ko na lang ang aking mga ginawa ngayung buong araw.. pero sandali,
Ano nga ba ang mga ginawa ko na...?? Mula kaninang umaga ay wala pa ko nagagawang trabaho kundi magbukas ng PC at maglaro ng Kawai... Hmmmm,..

Tama...!!! Nasubukan kona rin nga palang mag-internet habang nakikinig ng music. Ano pa ba? Sandali ha, pagiisipan ko lang... subalit oo nga pala, walang pumapasok sa isip ko kayat hindi ko rin maiisip ang mga bagay na gusto kong isipin..

Limang minuto na ang nakakalipas ng umpisahan kong gawin ang gawaing ito, subalit hanggang ngayun ay wala parin ako maisip na gawing iba kaya sa palagay ko ay magagawa ko ng pahabain ang ginagawa ko... nabuksan ko na ata lahat ng website na alam ko subalit hindi ito sapat para sa isang maghapon ko sa trabaho.. kailangan ko pa na iba na magagawa, bukod sa paggawa ng gawaing ito.

Buti pa si bossing, may kausap na naman sa kanyang telepono tungkol sa trabaho. eto namang si kuri aykuntento na sa kanyang ginagawa na pagbisita at pagkumento sa kanyang mga kaibigan sa panulat. Pero ako eto, diretsyo pa rin sa paggawa ng gawaing ito. Konting minuto na lang at lalabas na kami para kumain, sa wakas ay may iba na akong magagawa bukod sa pagtunganga at pagsusulat ng gawaing ito.

Siguro ay sapat na to para kahit papano ay maibsan ang aking kalungkutan at pagkabagot sa ginagawa ko.

Sandali na lamang at ipapakita ko na ang sulat na ito sa lahat ng tao. Pero sandali, humabol ang dalawa kong kasama.. nandito na din sa opisina sina MJ. Iyun ay initial lamang ng aking mga bossing sa trabaho. Buti pa sila at may ibang ginawa kaya di nila naramdaman ang kalungkutan na aking naranasan.

Ang sarap ng kain nila sa V-cut at Nova... Ang lutong at lasa ay naiiwan sa likidong dumadaloy sa kanilang bunganga... Di ko na alam kung pano to tatapusin kaya sa palagay ko ay bigla ko na lang tong aalisin sa aking paningin.

Maraming salamat po.



Monday, September 1, 2008

OPO.... Gagawin Ko

Hi Guyz,

Im back!! medyo matagal din akong nawala sa sirkulasyon because of my very busy schedule. By the way, meron po akong gustong i-share sa inyo na letter.

I love the story of this one because ito talaga yung mga totoong nangyayari sa buhay ng tao or sa isang pamilya, nakakatakot lamang maranasan to ng ating mga magulang...
Sana, magawan natin ng paraan para naman hindi ito mangyari sa kanila...


"Sana sa pamamagitan ng letter na 'to is malaman natin ang kahalagahan ng ating mga magulang..."


Mahal kong anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.

Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakitat maratay sa banig ng karamdaman,huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sahigaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamayAt bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,

ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ..... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong Ama't Ina...

Tuesday, August 12, 2008

RULES & REGULATIONS


Ni Hao ma!!
Haha... It's nice to be back!!!! Share ko lang po sa inyo yung email na nareceive ko galing kay sikoletlover... hehe, for sure dami tatamaan dito... Xie Xie, Enjoy reading.....
"Etiquette sa inuman- basahin at matuto"
Sa inuman:

1. Pag abot ng baso- 3 minutes ang pinakamatagal na pag hintay. Mag bigay ng konsiderasyon sa mga ibang umiinom- sundin ang gintong kasabihan
"Di bale ng magtagal sa ke*@ at su&% wag lang sa baso"
2. Pag tapos tumagay - ibalik sa tanggero ang baso- tinagayan ka na, baka
naman pedeng ibalik mo sa kanya. hindi ka prinsipe.
3. Ang chaser ay panawid lasa- hindi panawid uhaw. dun ka sa gripo
lumaklak kung kakatapos mo lang mag gym.
4. Iwasan ang magtapon ng alak. binabayaran yan. Di ka pa nga ata nag
ambag...aaksayahin mo pa..tigas ng mukha mo tlga ever..hehe..
5. Siguraduhing magaambag ka sa inuman- tigas mo naman kung makiki-inom ka
ng libre- pede ka lang malibre kung nilibre ka nila o niyaya ka kahit sabi
mong wala kang pera

Sa Pulutan:

1. Una sa lahat, ang pulutan ay panawid pait, hindi panawid gutom- kumain
ka sa inyo kung gutom ka. wag kang kung-fu kid! haha
2. Pag ginagamit ang tinidor, huwag mong kakamayin- para kang walang pinag
aralan.
3. Pagkain ng isda, hindi binabaliktad- sabi nila sa mga marino galing ang
istilo na to para hindi tumaob ang barko.
4. Huwag mag reklamo kung ano ang nakahain. tandaan hindi to fiesta,
inuman to.
5. Ang tinik,buto at mga parteng hindi makakain ilagay sa tabi- huwag kang
baboy. Kung hindi ka tanggero, guitarista at birthday boy/girl- pede kang magluto
at tumulong sa iba pang gawain sa inuman. hindi ka pinanganak na
senyorito, kung pakiramdam mo hari ka- dun ka sa kaharian mo maginom

Asal sa Mesa :
1. Kung isa lang ang tinidor, huwag mag inarte- Koboy dapat. inuman to-
hindi sosyalan,
2. Sa kuwentuhan, alam na namin na kayo ang pinaka-siga, maraming chicks,
mayaman, maporma at pinaka magaling sa lahat ng bagay. Huwag mo ng
ikuwento.
3. Pag bisita ka, makitawa sa mga joke nila- makihalubilo, aalukin ka nila
ng ilang beses pero huwag mong abusuhin- hindi ka sanggol.
4. Huwag rin masyadong pasikat- ok lang magkuwento pag dayo ka- huwag ka
lang kupal.
5. Huwag na huwag mambabara kung bisita ka. Pede lang mambara kung kupal
ang binara.
6. Irespeto ang opinyon ng iba, tulad ng pagrespeto mo sayo.
7. Pag hindi na kaya- pwedeng pumas- huwag maging pasikat - kupal ang
dating mo non.
8. Magpatawa ka para masaya- kung mang aasar ka sa tropa sigraduhin
nakakatawa, hindi panlalait. Konsiderasyon sa bisita.
Ang pagiging siga ay hindi masaya sa inuman.
9. Huwag makipag sabayan. Buraot ang alagaing lasing.
10. Bigyan ng pugay ang nagpainom at may birthday - wag kang agaw eksena.
11. Goodtimes lagi.

After ng Inuman:

1. Ugaliing tumulong magligpit.
2. Kung di na kaya humiga sa isang tabi
3. Kung di tumutulong magligpit - huwag makulit.
4. Huwag kalimutan magpaalam sa nag painom at mga kainuman.
5. Kung aalis sa kalagitnaan ng inuman, gawing habit ang magiwan ng
pangambag.

Suka Tips:


1. Pag naduduwal na, kumuha ng matamis para may pangsabay sa bibig pag
naglalaway na.
2. Huwag magyoyosi pagnasusuka na, iba ang epekto ng usok sa tyan pag
nakainom.
3. Pag nakakaramdam na ng suka, tumayo agad at dumiretso sa pinakamalapit
na sukahan- (banyo, inodoro.)
4. Magmumog lagi pagkatapos sumuka- kadiri bibig mo brad.
5. At kung plano pang bumalik sa mesa- siguraduhing malinis ang itsura.
Para di ka itaboy.

Tanggero Tips:

1. Bilang punong naatasan sa pag pasa ng tagay, siguraduhing kumpleto ka
ng gamit tulad ng: tabo ng tubig (pangbanlaw ng baso pag beer ang iniinom) pambukas, at lighter.
2. Ang obligasyon mo ay ipasa ang tagay sa lahat ng manginginom, mga
nagambag - alukin ang lahat ng bisita.

Sa Mga Manginginom :

1.Pakunsuwelo sa mga nagpainom at tanggero, alalayan sila tulad ng pag
replenish ng yelo, pulutan, pagbili ng pulutan at pagpapalit ng music kung
walang naatasang dj.
2. Panatilihing masaya ang inuman, makinig sa sasabihin ng iba kung drama,
at mag saya para makalimot sa problema-


Mabuhay ang mga manginginom! !! Inuman na!!!

Sunday, July 27, 2008

EPAL ba talaga?


Haaay, Monday na naman (first day of work) ..!!

NakaKatamad bumangon sa higaan, ang lambot ng kama at ang dilim pa sa kalsada ang nagpapahiwatig sa akin na madaling araw pa! Pero wala akong magagawa. kailangan ko ng bumangon at harapin ang lamig ng dumadagasang tubig... Alas-6 na ng umaga ng makaalis ako ng bahay papuntang opisina...Maaga akong umaalis ng bahay kasi naman ang dami ko munang giyerang pagdadaanan b4 ako makarating sa laban (siksikan sa MRT and pahirapan sa FX/Buses)... 2 hours ang byahe ko mula sa amin papuntang ortigas where my workplace located.

Ang ganda ng umpisa ng day ko... kasi nakasabay ko si couzin (with her bf), kwentuhan and kulitan... tapos maaga pa kaming nasakay ng FX byaheng MRT, agad-agad akong tumawag kay GF para ipagmalaki sa kanya na maaga akong makakapasok today... at syempre, lalo akong sumaya ng magsalita na si couzin ng "Maa, bayad po, Tatlong MRT" hehehe, abot hanggang tenga ang ngti ko kasi nakatipid ako ng P65, medyo manipis nga lang ang face ko kasi kung sino pa yung girl eh sya pang nagbayad samin, pero ok lang din kasi mdami naman silang datung.(sila ang pinaka-mayaman sa lahi namin)!!! Baba kami sa MRT, grabe na naman ang tao, abot hanggang second lane ng EDSA ang pila, kaya yung magandang plantsa ni Mamu sa Polo ko is nabalewala... but its ok, kasi mejo sanay naman nadin ako...

Maaga kong dumating sa work, mahaba ang oras ko para magpabanjing-banjing muna..
Pero di ko ginawa yun, instead pumunta kagad ako sa gwardiya para tanungin kung may nagpunta ba sa site or may naging problema ba...? (Inaasahan ko kasi na may pupuntang support kagabi dahil may bagsak kami sa site, actually, hindi naman ako dapat ako magtanong nun kasi di naman ako yung on-call, pero since bago pa lang si officemate, nag-magandang loob na ko).. Ang sagot nila sa akin is "Ok naman po Sir, wala naman pong nagpupunta dito na support".

Dali akong pumunta sa Equipment, and nung pag-check ko nga, bagsak padin sya hanggang this early morning... Of-course ang ginawa ko is subukan ko muna kung kaya ko bang solusyunan yung problem... (di ko alam na may pupunta palang support ngayung umaga)... Habang on-going yung troubleshooting na ginagawa ko, tumawag sakin si Boss1, kasi hinahanap nya daw ako dahil wala ako sa workplace ko...sabi ko sa kanya "Ma'am dito po ako sa baba, ginagawa ko po yung bagsak"... syempre nagulat sya dahil di rin pala sya nainform na walang pumunta sa site para magtrouble shoot... mejo uminit ang ulo ni Boss1... and binaba na nya yung phone..

A few minutes later, nakito ko ung phone ko na tumatawag si Boss2, mejo galit sya at alam ko na parang wala sya sa mood... ang dami nyang tinanong sakin na mejo natapakan yung ego ko, syempre ako naman, sinasagot ko lang yung mga tinatanong nya sakin... alam kong di na maganda yung usapan namin... nagkaron kami ng mis-understanding, alam ko yun kahit hindi nya directly binabanggit... masamang masama ang loob ko ng matapos ang usapan namin.. kasi ako pa yung lumabas na masama gayong ginawa ko lang naman yung nararapat...( tulungan yung new officemate ko sa pag-handle ng trouble,pag-troubleshoot ng alarm, at pagsasabi ng lahat ng nangyayari sa mga boss)...

Haaay, mahaba-haba pa ang araw na to, sa umpisa ang ganda na sana pero bigla nagkaroon ng problema... sana malagpasan ko ang mga pagsubok na ganto...

EPAL lang siguro talaga ako... hehe

Tuesday, July 22, 2008

FIRST TIMER




Hi everyone..

How are you?

This is my first time of creating my own blogspot... I thought that its going be a hard one, but since my officemate is also a blogger, he helps me to understand and create my own blogspot easily..

By the way, I would like to introduce myself for those who are interested to know something about me(if there is..lol).. hehe, maybe never mind... haha

Please read my blog... thanks