GuestBook

Thursday, September 25, 2008

GAWAING ITO!!!


Haaay.... Sa oras na ito, ako ay nakaupo sa harapan ng aking PC sa opisina. Nasa aking kanan ang sikat na manunulat na si Kuri na asawa ni Wifey at Daddy ni Lilo. Nasa dulo naman ng aking kanang paningin ang aming Bossing. Sya ay may kausap sa kanyang telepono na kung sino sino.

Sa kasalukuyan ay wala akong magawa kaya naisipan ko na lang gumawa ng isang gawain na pwede kong magawa habang wala akong ginagawa. Mahirap mag-isip ng kung ano-ano kaya naisip ko na lang na isulat ang mga salitang lumalabas sa aking bibig at pumapasok sa aking isipan habang nakatunganga at nakatanga sa harapan ng aking upuan.

Mahirap pala talaga mag-isip kapag walang pumapasok sa yong pagiisip.

Tama...!!! Isusulat ko na lang ang aking mga ginawa ngayung buong araw.. pero sandali,
Ano nga ba ang mga ginawa ko na...?? Mula kaninang umaga ay wala pa ko nagagawang trabaho kundi magbukas ng PC at maglaro ng Kawai... Hmmmm,..

Tama...!!! Nasubukan kona rin nga palang mag-internet habang nakikinig ng music. Ano pa ba? Sandali ha, pagiisipan ko lang... subalit oo nga pala, walang pumapasok sa isip ko kayat hindi ko rin maiisip ang mga bagay na gusto kong isipin..

Limang minuto na ang nakakalipas ng umpisahan kong gawin ang gawaing ito, subalit hanggang ngayun ay wala parin ako maisip na gawing iba kaya sa palagay ko ay magagawa ko ng pahabain ang ginagawa ko... nabuksan ko na ata lahat ng website na alam ko subalit hindi ito sapat para sa isang maghapon ko sa trabaho.. kailangan ko pa na iba na magagawa, bukod sa paggawa ng gawaing ito.

Buti pa si bossing, may kausap na naman sa kanyang telepono tungkol sa trabaho. eto namang si kuri aykuntento na sa kanyang ginagawa na pagbisita at pagkumento sa kanyang mga kaibigan sa panulat. Pero ako eto, diretsyo pa rin sa paggawa ng gawaing ito. Konting minuto na lang at lalabas na kami para kumain, sa wakas ay may iba na akong magagawa bukod sa pagtunganga at pagsusulat ng gawaing ito.

Siguro ay sapat na to para kahit papano ay maibsan ang aking kalungkutan at pagkabagot sa ginagawa ko.

Sandali na lamang at ipapakita ko na ang sulat na ito sa lahat ng tao. Pero sandali, humabol ang dalawa kong kasama.. nandito na din sa opisina sina MJ. Iyun ay initial lamang ng aking mga bossing sa trabaho. Buti pa sila at may ibang ginawa kaya di nila naramdaman ang kalungkutan na aking naranasan.

Ang sarap ng kain nila sa V-cut at Nova... Ang lutong at lasa ay naiiwan sa likidong dumadaloy sa kanilang bunganga... Di ko na alam kung pano to tatapusin kaya sa palagay ko ay bigla ko na lang tong aalisin sa aking paningin.

Maraming salamat po.



Monday, September 1, 2008

OPO.... Gagawin Ko

Hi Guyz,

Im back!! medyo matagal din akong nawala sa sirkulasyon because of my very busy schedule. By the way, meron po akong gustong i-share sa inyo na letter.

I love the story of this one because ito talaga yung mga totoong nangyayari sa buhay ng tao or sa isang pamilya, nakakatakot lamang maranasan to ng ating mga magulang...
Sana, magawan natin ng paraan para naman hindi ito mangyari sa kanila...


"Sana sa pamamagitan ng letter na 'to is malaman natin ang kahalagahan ng ating mga magulang..."


Mahal kong anak,

Sa aking pagtanda, unawain mo sana ako at pagpasensiyahan.

Kapag dala ng kalabuan ng mata ay nakabasag ako ng pinggan o nakatapon ng sabaw sa hapag kainan, huwag mo sana akong kagagalitan. Maramdamin ang isang matanda.

Nagse-self-pity ako sa tuwing sinisigawan mo ako.

Kapag mahina na ang tenga ko at hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, huwag mo naman sana akong sabihan ng "binge!" paki-ulit nalang ang sinabi mo o pakisulat nalang.

Pasensya ka na, anak. Matanda na talaga ako.

Kapag mahina na ang tuhod ko, pagtiyagaan mo sana akong tulungang tumayo, katulad ng pag-aalalay ko sa iyo noong nag-aaral ka pa lamang lumakad.

Pagpasensyahan mo sana ako kung ako man ay nagiging makulit at paulit-ulit na parang sirang plaka. Basta pakinggan mo nalang ako. Huwag mo sana akong Pagtatawanan o pagsasawaang pakinggan. Natatandaan mo anak noong bata ka pa? kapag gusto mo ng lobo, paulit-ulit mo 'yong sasabihin, maghapon kang mangungulit hangga't hindi mo nakukuha ang gusto mo. Pinagtyagaan ko ang kakulitan mo.

Pagpasensyahan mo na rin sana ang aking amoy. Amoy matanda, amoy lupa. Huwag mo sana akong piliting maligo. Mahina na ang katawan ko. Madaling magkasakit kapag nalamigan, huwag mo sana akong pandirihan. Natatandaan mo noong bata ka pa? Pinagtyagaan kitang habulin Sa ilalim ng kama kapag ayaw mong maligo.

Pagpasensyahan mo sana kung madalas, ako'y masungit, Dala na marahil ito ng katandaan. Pagtanda mo, maiintindihan mo rin.

Kapag may konti kang panahon, magkwentuhan naman tayo, kahit sandali lang. Inip na ako sa bahay, maghapong nag-iisa. Walang kausap. Alam kong busy ka sa trabaho, subalit nais kong malaman mo na sabik na sabik Na akong makakwentuhan ka, kahit alam kong hindi ka interesado sa mga kwento ko. Natatandaan mo anak, noong bata ka pa? Pinagtyagaan kong pakinggan at intindihin ang pautal-utal mong kwento tungkol sa iyong teddy bear.

At kapag dumating ang sandali na ako'y magkakasakitat maratay sa banig ng karamdaman,huwag mo sana akong pagsawaang alagaan.

Pagpasensyahan mo na sana kung ako man ay maihi o madumi sahigaan, Pagtyagaan mo sana akong alagaan sa mga huling sandali ng aking buhay.

Tutal hindi na naman ako magtatagal.

Kapag dumating ang sandali ng aking pagpanaw, hawakan mo sana ang aking kamayAt bigyan mo ako ng lakas ng loob na harapin ang kamatayan.

At huwag kang mag-alala, kapag kaharap ko na ang Diyos na lumikha,

ibubulong ko sa kanya na pagpalain ka sana ..... Dahil naging mapagmahal ka sa iyong Ama't Ina...